Pista ng Nazareno, uulanin ayon sa PAGASA

NAGBABALA ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA na uulanin ang kapistahan ng Señor Nazareno de Quiapo ngayong Linggo.

Ayon kay Robert Sawi ng Pagasa, makakaranas ng mga manaka-nakang pag-ulan ang Metro Manila, eksakto sa dakong hapon, kung saan nakatakda ang prusisyon ng itim na Nazareno. Ani Sawi, magiging matagal at malakas ang mga pag-ulan.

Payo ni Sawi, mas makabubuting magdala ng kapote at payong ang mga deboto upang makaiwas na mabasa sa ulan.

Samantala, nakalagay na sa pinamakataas na alerto ng National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) ang buong kapulisan sa Metro Manila kaugnay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Black Nazarene ng Quiapo, Maynila.

Ayon kay NCRPO chief Director Nicanor Bartolome, naka-full alert sila upang mabantayan ng Manila Police District (MPD) ang mga deboto.

Aniya, Biyernes pa nagsimula ang security coverage.

Nagdagdag na rin umano sila ng mga pulis mula sa iba’t ibang distrito sa Kamaynilaan upang matiyak na magiging maayos ang prusisyon na magmumula sa umaga sa Quirino Grandstand sa Rizal Park at magtatapos sa Quiapo church.

Una rito, sinabi ni MPD Traffic Enforcement Unit chief, Maj. Reynaldo Nava na aabot sa anim na milyong katao ang inaasahang makikibahagi sa prusisyon ng Nazareno ngayong Linggo.

Nanawagan rin si Bartolome na huwag isama ang maliliit na bata at mga matatanda.

Ipinayo rin ni Bartolome na huwag magdala ng malalaking bag at mamahaling alahas ang mga deboto.

Noong Biyernes, sinimulan ang unang ritwal ng ‘Indayog’ bilang bahagi ng pagpuprusisyon ng mga replika ng Nazareno.

Kahapon naman, nagsimula ang “Pahalik” dakong 3:00 ng hapon.

Narito ang schedule ngayong araw

3am – Holy Hour
6am – Eucharistic celebration, to be presided by Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales
7:30am – procession from Quirino Grandstand to Quiapo Church

Parade route: Quirino Grandstand to Katigbak Drive, Padre Burgos St., McArthur Bridge, Carlos Palanca St., P. Gomez St., P. Paterno St., Quezon Boulevard, Arlegui, Fraternal St., Vergara St., Duque de Alba St.., Castillejos St., Farnecio St., J. Nepomuceno St., C. Aguila St., Carcer St., R. Hidalgo St., Bilibid Viejo St., Gil Puyat St., Z. P. de Guzman St., R. Hidalgo St., Barbosa St., Globo de Oro St., Villalobos St., Plaza Miranda, Quiapo Church. Nenet L. Villafania

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply