PISTON nagrally sa Makati, Big 3 oil companies kinondena

NAGSAGAWA ng kilos protesta ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) upang kondenahin ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ang kilos protesta ay isinagawa sa harap mismo ng gusali ng Shell Philippines sa Balero St., Salcedo Village, Makati City pasado 12:00 ng tanghali.

Ayon kay George San Mateo, Secretary General ng PISTON, nagbibingi-bingihan ang kasalukuyang administrasyon dahil walang ginagawang solusyon para mapababa ang presyo ng produktong petrolyo.

Taliwas umano sa ipinahayag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na ang mamamayan ang kanyang “Boss” pero lumalabas umanong ang mga “Kano” ang kanyang Boss na nagdidikta kung magkano ang ipapataw na presyo ng langis.

Bilang protesta, sinunog ng mga militanteng grupo ang larawan ni Pangulong Aquino bunga ng kawalan ng ginagawang aksyon nito sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo ng tatlong dambuhalang
kompanya ng langis. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply