Pistons hinambalos ang Magic

HINDI umubra sa bagsik ng Detroit Pistons ang mahika ng Orlando Magic matapos nilang hugutin ang 103-96 victory laban dito.

Tinulungan naman ni David West ang New Orleans Hornets sa panalo nito laban sa Oklahoma City Thunder.

Si West ay nakasikwat ng 20 points at ang pinakamahalaga rito ay ang malayong tira niya na may 0.5 seconds ang nalalabi sa ninth straight game win nila.

Inilatag naman ng New Jersey Nets ang 17th straight loss ng Cleveland Cavaliers, 103-101 habang ang New York Knicks ay tinapos ang kanyang kamalasan matapos magwagi laban sa Washington Wizards, 115-106 na wala pang panalo sa  road games.

Ang Memphis Grizzlies ay pinasadsad naman ang Toronto Raptors sa iskor na 100-98 habang walang awang dinurog ng Chicago Bulls ang Milwaukee Bucks, 92-83.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply