Plea bargain deal ni Garcia, pinakakalkal sa Senado

Hiniling kahapon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa kinauukulang komite ng Senado na imbestigahan ang kontrobersyal na plea bargaining agreement sa pagitan ni dating AFP Comptroller at retired Maj. Gen. Carlos Garcia at ng Ombudsman.

“I am in favor that one of the senate committees, whether it’s the Blue Ribbon Committee, whether it’s the Defense committee or whatever committee, the justice committee, take a look into what happened, “ giit ni Cayetano

Naniniwala ang senador, dating chairman ng blue ribbon committee, na ang plea bargain agreement na pinasok ni Garcia sa Ombudsman at special prosecutor ay bahagi ng cover-up upang hindi maikanta ng dating AFP Comptroller ang mga nakatataas sa kanya na siyang utak ng kurakutan sa AFP.

“Kung ikaw ang mas mataas eh gusto mong maabsuwelto yung nasa ibaba para hindi kumanta laban sa iyo,”paliwanag ng senador.

Matatandaan na si Garcia ay kinasuhan ng plunder dahil sa umano’y kinurakot nitong P303 milyon sa puwesto kung saan nakulong ito ng mahigit anim na taon.

Gayunman, nakipag-areglo ito sa special prosecutor at sa Ombudsman kung saan ibabalik na lamang niya ang mahigit P 100 milyon pero direct bribery na lamang ang kanyang kaso at hindi na plunder. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply