PNoy balik-trabaho bukas

MATAPOS ang mahaba-habang bakasyon dahil sa Kapaskuhan, balik-trabaho bukas, Enero 3 si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Hindi malinaw kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Secretary Ricky Carandang kung babalik na sa Malakanyang o mananatili pa sa Baguio City kasama ang kanyang pamilya si Pangulong Aquino.

“Tinatanong ko nga ‘yung PSG kanina kung babalik na si Pangulo sa Manila tomorrow,” ayon kay Carandang. “Sabi nila, ayaw muna nila sabihin kung ano ‘yung travel plans ni Presidente for security reasons.” \

Aniya, kahit nasa Baguio City ay dala-dala ni Pangulong Aquino ang mga papeles upang trabahuhin at tapusin ang mga opisyal niyang gawain.

“Whether he’s in Baguio or whether he’s in Manila, tomorrow is a working day for the President,” ang pahayag ni Carandang.

Hindi umano siya tiyak kung magtatawag ng Cabinet meeting si Pangulong Aquino ngunit ang alam umano niya ay plano nitong makipagpulong sa iba’t ibang Cabinet clusters.

“Mas gusto niyang makipag-meeting sa iba’t ibang Cabinet clusters. Para sa kanya, mas efficient ‘yon kasi,” ani Carandang.  Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply