PNoy, binatikos dahil sa pagbili ng P4.5-M Porsche

BUMILI ng luxury sports car si Presidente Benigno Aquino III. Ang 2007 model ng thirdhand Porsche automobile ng pangulo na yari sa Germany ay nagkakahalaga umano ng P4.5 milyon.

Ang nasabing halaga ng kotse ay katumbas ng 54 taong kita ng isang manggagawang bukid sa Central Luzon batay sa datos mula sa National Wages and Productivity Commission.

Binatikos ng ilang grupo ang pagbili ni Aquino ng mamahaling sasakyan. Ngunit ipinagtanggol naman ito ng Pangulo at ng Palasyo dahil di naman daw nanggaling sa kabang bayan ang ipinambili ng Porsche.

Ani Milo Tanchuling, secretary general ng Freedom from Debt Coalition, tila wala sa hulog ang naging desisyon ni Aquino na bumili ng mamahaling kotse sa gitna ng patuloy na paglala ng kahirapang nararanasan ng nakararaming Pilipino.

“It appeared to be out of character. He had campaigned against luxury cars and here he is buying a Porsche,” ani Tanchuling sa isang panayam sa Agence France Presse nitong Huwebes.

“There is a danger that it will be viewed by many as a sign of extravagance and an unnecessary flaunting of wealth amid massive poverty,” dagdag ni Tanchuling.

Ngunit ayon kay Aquino, di makakaapekto ang pagbili niya ng Porsche sa apela ng Malakanyang sa publiko na magtipid.

“Bakit makaka-apekto? Unang-una… third-hand ho ‘yan,” anang Pangulo sa mga mamamahayag nitong Huwebes.

Dagdag niya, “Pangalawa ho, hindi ho gobyerno ang nagbayad n’yan. Ibinenta ko po ‘yung isang sasakyan ko.” Ayon sa mga ulat, ibinenta ni Aquino ang kanyang BMW car para makabili ng Porsche.

Sinusugan ni presidential spokesman Edwin Lacierda ang pahayag ng Pangulo. Aniya, kung hindi mababa ang presyo ng Porsche ay di ito bibilhin ni Aquino.

“If it was not depreciated, the president wouldn’t even buy it, wouldn’t even consider it,” ani Lacierda sa isang press briefing nitong Huwebes.

Aniya pa, di sinuway ni Aquino ang sarili niyang utos na nagbabawal sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na bumili at/o gumamit ng luxury vehicles sa kanilang mga operasyon.

“How the president spends his personal funds is entirely his own discretion and I think that should not be used to sow intrigue. If there’s anybody planning to do that, let’s respect the president’s private transactions,” ani Lacierda.

Ngunit iba ang pagtingin ng mga kritiko ni Aquino.

“As the president, calling for austerity and asking people to tighten their belts, cutting the budget on various expenses, he should lead by example by not buying a luxury car which many couldn’t even pronounce correctly,” ani Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares sa isang pahayag.

“Para sa isang katulad ko na nakatira sa isang maliit na one-bedroom apartment na katulad nito, nakakalula ang Porsche,” anang mambabatas. Dagdag na ulat ni Kris Jose

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply