PNoy, inupakan ni Joker sa plea bargaining

MAS interesado sa pera ang administrasyong Aquino kaysa maipakulong si dating military Comptroller at retired Maj. Gen. Carlos Garcia dahil sa ginawa nitong pagnanakaw sa pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang impresyon ni Sen. Joker Arroyo sa polisiya ng gobyerno hinggil sa corruption cases, tulad na lamang ng kasong pandarambong na kinakaharap ni Garcia na nauwi ngayon sa plea bargain agreement.

Umaabot sa P300 milyon ang ninakaw na pondo ni Garcia sa gobyerno pero nang pumasok sa plea bargain agreement ng Ombudsman at ng special prosecutor, pansamantalang nakalaya ang retiradong heneral ngunit kinakailangan niyang ibalik ang mahigit sa P 130 milyon.

Kahit na kapos sa pera ang administrasyon, tinutulan naman ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang plea bargain agreement kung kaya  gumawa ng hakbang ang Office of the Solicitor General upang maharang ang kasunduang ito.

Ngunit ayon kay Sen. Arroyo, nalalabuan pa rin siya sa polisiya ni PNoy sa naturang kaso kung kaya mas makabubuti aniyang ilantad na ng Chief Executive ang kanyang kartada sa corruption cases. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply