PNoy, sino ang susunod na pagpapatayin at pagsusunugin?

NAKAGUGULANTANG at nakakakaba ang mga krimen na nagaganap sa mga araw na ito.

Mapatatanong ka tuloy nang pilit sa mga nangangasiwa sa ating pamahalaan na may pangunahing tungkuling protektahan ang buhay at ari-arian ni Juan.

Kaugnay ito, Suki, ng halos magkakasabay na pagpatay at pagsunog, buhay man o patay, sa apat na kalalakihan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at Gitnang Luzon.

Ano na ang nangyayari sa repablik ni Junan?

Sino-sino naman kaya ang mga susunod na pagpapatayin at pagsusunugin?

Yan ang ilang katanungang hindi maiiwasang lalabas sa bibig ni Juan dahil nga sa kanyang pagkagulantang at kaba sa mga kahindik-hindik na kriment ito.

oOo

Makaraang pagpapatayin at pagsusunugin ng mga demonyong kriminal ang dalawang car dealer at dalawang iba pa, nagpapatuloy ang mga kahindik-hindik na krimen.

Ginilitan sa leeg na parang manok si Judge Fredelito Pingao sa kan-yang tahanan sa Currimao, Ilocos Norte.

Matigas na ang kanyang bangkay na naliligo sa sarili niyang dugo nang siya’y matagpuan ng kanyang drayber at mga kamag-anak..

Pinugutan naman sa ulo ang isang dalaga makaraan itong halayin sa lalawigan ng Cavite.

Itinuturong may kagagawan nito ang isa sa dalawang lalaki na binasted niya.

Nitong huli, lumalabas namang may tsinaptsap na babae sa Naga City.

Nakalkal ng ilang batang basurero ang kamay na nabubulok na isang basurahan.

Sa Baguio City, nakaligtas sa tiyak na kamatayan mula sa tortyuristang mga pulis ng nasabing lungsod si Rodolfo Basigun.

Sinabi ni Basigun na lasing na lasing ang mga pulis na nagpaamin sa kanya ng pagpatay sa isang Roger Guzman at nakatakas lamang siya dahil sa kalasingan ng mga ito.

Piniringan na siya ng mata at binusalan ng bibig nang maglakas-loob itong tumakas sa mga lasing na pulis.

Hindi rin kapani-paniwalang armalite ang bitbit ng mga holdaper na gumagala sa Manila gaya ng rumatrat sa sasakyan ng isang money changer sa Ermita, Manila.

Labis na kapangasan ang ginawa ng mga holdaper in tandem dahil ginawa ito sa araw.

oOo

Isang tanong: PNoy, sino ang susunod na biktima?

Talaga namang nakatatakot ang mga krimeng nagaganap.

Isa kasi sa kapuna-puna ang kawalan ng alam ni Juan kung awtoridad o hindi ang mga gumagawa ng krimen.

Por eksampol, sino ang may lakas ng loob na magbitbit ng armalite at mangratrat ng iba sa araw gaya ng ginawa sa money changer?

Sa naganap kina Emerson Lozano at Venson Evangelista na pinatay at sinunog, bakit hindi man lang na-checkpoint ang mga kriminal?

Hindi kaya may mga aktibong pulis at militar na sangkot sa mga krimen?

Paano rin yung mga hinuling holdaper sa bangko nina NCRPO chief Nick Bartolome na pawang mga dating sundalo at CAFGU?

Klaro naman naman ang mga suspek sa kasong tortyur at tangkang pag-salvage sa Baguio City.

Isang tanong ulit: P-Noy, ano na ang nangyayari?

Baka naman hindi na mga brutal lang na kriminal ang gumagawa sa nakararami ng mga krimen. Baka may iba nang usapin diyan, huh? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply