PNP hirap sa kaso ng Makati bus bombing

IPINAHAYAG ni Froilan Bonifacio, Makati-PNP senior superintendent na nahihirapan sila sa kaso ng Makati bus bombing na naganap nitong ika-25 ng Enero, kung saan lima ang namatay. Nahihirapan aniya ang PNP na tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kinaroroonan ng mga ito.

Bagama’t nagpalabas na ng pabuya ang PNP at araw-araw na nakatatanggap ng impormasyon ang kanilang himpilan ay tila wala pa ding matibay na impormasyon na magtuturo sa mga dapat na managot sa nasabing insidente.

Samantala, umaga ng Lunes, Enero 31 ay sinuspinde ang klase sa Assumption College sa Makati matapos makatanggap ng bomb threat.

Ayon kay Bonifacio siya ay dismayado dahil ang Makati ang puntirya nang pang-aasar ng mga walang magawang tao. Sinabi niya na tigilan na ng mga ito ang mga pananakot dahil naaapektuhan na ang kanilang lungsod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply