PNP, kinalampag sa pagpatay sa Palawan broadcaster

NANAWAGAN ni Sen. Pia Cayetano sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na kaagad tugisin at isakdal ang mastermind sa brutal na pagpatay kay Dr. Gerry Ortega, isang broadcaster sa Palawan.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Cayetano na personal niyang kaibigan ang biktima simula noong nasa kolehiyo sila kaya naniniwala siyang walang ginagawang masama ang biktima.

“May his death not be reduced to another statistics in the long list of unsolved media killings in the country. The PNP should leave no stone unturned in getting to the bottom of this case and bring justice the mastermind behind the hired gunman who took his life,” ayon kay Cayetano.

Sinabi pa ni Cayetano na nakikidalamhati siya sa Palawenos at pamilya ni Dr. Ortega na humihingi ng katarungan sa sinapit ng broadcaster.

Naniniwala si Cayetano na may kaugnayan sa pagiging environmentalist at dedikadong serbisyo publiko ang nasa likod ng motibo ng pagpaslang kabilang ang pagtatanggol sa karapatan ng kapwa Palawenos. Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply