PNP pinagpapaliwanag sa peace and order ng bansa

INUDYUKAN ni Davao Rep. Carlo Alexei Nograles ang liderato ng Kamara na imbitahan ang pamunuan ng Philippine National Police upang maipaliwanag sa mga mambabatas ang tunay na kalagayan ng peace and order sa bansa.

Partikular na tinukoy ni Nograles na dapat maimbitahan ay si PNP Chief Director General Raul Bacalzo nang sa gayun ay makalikha ang KOngreso ng kaukulang lehislasyon bilang ayuda sa PNP sa pagpapalakas ng kampanya kontra kriminalidad.

Maging ang naganap na pagpapasabog sa isang bus sa Makati City ay pinasisilip din ni Nograles upang mabatid kung ito ay bahagi lamang ng planong ilubog sa kahihiyan ang administrasyong Aquino.

Malaki ang paniwala ni Nograles na maaaring gusto lamang din ng grupong nasa likod ng naturang pananabotahe na mabalewala ang pagsisikap ng gobyerno na pagandahin ang imahe ng Pilipinas na napatutunayan sa paglobo ng pamumuhunan sa bansa.

“ I can’t help but suspect that the bus bombing may have been intended to aggravate the situation and create an impression that President Aquino’s weak spot is peace and order,” dagdag pa ni Nograles. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply