PNR humihirit ng dagdag-pasahe

HUMIHIRIT na rin ng dagdag-pasahe ang Philippine National Railways

Nagsumite na ng panukala ang PNR Transportation Division sa PNR Board of Directors para sa umento sa pasahe sa biyahe ng kanilang tren mula Tutuban hanggang Alabang.

Ayon kay PNR Transportation Division Manager Estelito Nieva, nahahati sa tatlong uri ng fare matrix ang kanilang isinumite sa pamunuan ng PNR.

Ang una, gawing P10 ang singil sa unang 10 kilometro ng biyahe at dagdag na P1 sa bawat karagdagang kilometro habang ang pangalawa naman ay gawing P20 ang flat rate sa pamasahe, at pangatlong panukala ang gawing zonal ang singil kung saan P5 ang minimum na pamasahe at karagdagang P5 sa susunod na zone.

Dagdag pa ni Nieva na pag-uusapan pa nila ang mga fare matrix proposal bago isumite sa PNR Board of Directors na siyang may kapangyarihan na aprubahan o ibasura ang kanilang mga panukala.  Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply