POEA, babalatan sa human smuggling

SINIMULAN na ni Sen. Antonio Trillanes IV ang “unang salvo” ng kanyang pagganap sa tungkulin nang malaya sa pamamagitan ng pag-iimbestiga sa katiwalian at talamak na human smuggling sa bansa na kinasasangkutan ng ilang tiwaling opisyal ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), iniulat Martes ng hapon.

Sa inihaing Proposed Senate Resolution No. 329, hiniling ni Trillanes sa Blue Ribbon Committee at iba pang kaukulang komite na imbestigahan sa tulong ng pagsasabatas ang reklmao ng anomalya at sabwatan ng ilang opisyal ng POEA sa human trafficking at illegal recruitment.

Ayon kay Trillanes, dapat balanse ang pangangalaga sa mga OFWs na may pangangailangan sa kaligtasan ng karapatan nito sa pamamagitan ng makatotohanang trabaho sa abroad, tunay na dayuhang employer at propesyunal at maasahan at tapat na lisensiyadong recruitment agencies.

Ngunit, ayon kay Trillanes, kung nagiging kasangkot ang opisyal ng pamahalaan na may tungkulin at responsibilidad na pangalagaan ng kagalingan at karapatan ng OFWS, ang siyang nagpapatingkad sa pagkakamali ng pamahalaan kaya’t nangangailan nang baguhin ang istruktura ng ahensiya.

Nakatakda sa karta ng POEA na siyang natatanging ahensiya ng pamahalaan na mag-aapruba sa mga lisensiya at job order ng recruitment agencies kabilang ang pagpataw ng parusa sa tiwaling recruiter, dayuhang principal at dayuhang ahensiya.

Pangunahin sa inihalimbawa ni Trillanes ang trahedyang sinapit ng isang Romelyn Ibanez, tubong Northern Mindanao, na umalis ng bansa at bitbit ang isang job contract na inaprubahan ng POEA na tumutukoy sa kanyang trabaho bilang nursing aide sa Saudi Arabia ngunit natagpuang patay sanhi ng saksak at may asido sa loob ng tiyan sa tahanan na kanyang pinagsisilbihan bilang domestic helper.

Isang grupo naman ng kababaihan na kinalap ng Arabian Gulf Company ang humingi ng tulong sa Blas F. Ople Policy Center hinggil sa paglabag sa kanilang work contract na sinuri at inaprubahan ng POEA na dapat maninilbihan sila bilang nursing aide at tatanggap ng US$362 kada buwan ngunit naging cleaner para sa isang labor-supply company na may sahod na mula Php5,000 hanggang Php8,000 kada buwan. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply