Pondo ng DSWD sapat para sa mga biktima ng baha

HINDI kailangang dagdagan ang “standby fund” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sapat ito upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga nabiktima ng pagbaha sa pitong rehiyon sa bansa.

Tiniyak ni Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa na walang dapat na ipangamba dahil subok na ang kakayahan ng DSWD at National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na tumugon sa ganitong sitwasyon.

Sa pinakahuling report ng NDRRMC, 12 katao na ang nasawi sa pagbaha sa Leyte, Davao, Butuan, at ilan pang bahagi ng bansa.

Kaugnay nito, personal na mino-monitor ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang sitwasyon sa pitong rehiyon kung saan may malawakang pagbaha at landslides. Kris Jose

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply