PPP ni PNoy mapanganib – Rep. Colmenares

NAGBABALA ang isang kongresista sa administrasyong Aquino na mauuwi sa malaking trahedya ang public-private partnership (PPP) policy ni Pangulong Benigno Aquino III.

“ The PPP  policy is detrimental to consumers as can be seen with the recent spate of price and fare increases,” ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares.

Nanindigan si Colmenares na batay sa mga nagdaang administrasyon ay hindi naging maayos ang privatization program dahil pagsasayang lamang ito umano ng pera ng taumbayan.

“ The PPP is essentially privatization. It did not work before and we see no reason why we should spend billions of our people’s taxes on a graft-ridden undertaking.”

Pangunahin na aniyang dahilan kung bakit tutol si Colmenares sa pagsasapribado ay lalo lamang mababaon sa utang ang Pilipinas at lumalabas aniya na ito ay insentibo sa mga kompanya o investors.

“This is unjust. It also practically castrates the power of the judiciary to resolve petitions filed by the people for protection from unjust PPP impositions,” giit pa ni Colmenares.  Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply