Presyo ng baboy tumaas sa Libertad Market

TUMAAS ang presyo ng baboy sa Libertad Market, Pasay.

Batay sa report ng dzBB, P20 ang itinaas ng baboy sa naturang palengke kung saan dati ay P160 ngayon ay P180 na, habang ang baka naman ay P220 at ang manok ay nasa P125 pa rin.

Samantala, ayon naman kay Agriculture Sec. Proceso Alcala sa panayam sa dzBB, walang dahilan upang itaas ang presyo ng mga naturang pagkain dahil sapat umano ang supply nito sa bansa.

Ayon kay Alcala, hindi pa nakakaapekto sa poultry at livestock industry ng bansa ang nararanasang sobrang lamig ng panahon.

Dapat aniyang P160 hanggang P170 lamang ang presyo ng kada kilo ng karneng baboy habang P130 naman ang presyo ng kada kilo ng manok.

Inihayag din ni Alcala na dahil sa dami ng suplay ng manok at pananatiling bird flu free ng bansa, patuloy na ang pagsusuplay ng Pilipinas ng manok sa South Korea.

Hindi rin apektado ang mga manok at baboy sa malamig na panahon dahil wala umanong napapaulat na mga nagkakasakit sa mga ito.  Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply