Presyo ng gatas tataas

LALO pang magkakagipit-gipit ang mga ina matapos magpasya ang Department of Trade and Industry (DTI) na papayagan nilang magtaas ang presyo ng gatas.

Ayon sa report, inamin ni DTI Sec. Gregorio Domingo na dalawang linggo mula ngayon ay tataas ng 5-10 percent ang presyo ng gatas sa merkado.

Ani Domingo, nagpasabi na ang ilang manufacturer ng gatas na magtataas sila ng presyo, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng sangkap nito.

Matatandaang katatapos lamang ng sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo. Nenet Villafania

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply