Presyo ng tinapay tataas pa

ITINUTURO ng Philippine Association of Flour Millers (PAFMIL) ang sunod-sunod na kalamidad sa iba’t ibang panig ng mundo lalo na sa mga bansang pinag-aangkatan ng harina, kaya lalo pang lolobo ang presyo ng tinapay.

Ayon kay PAFMIL Executive Director Ric Pinca, asahan na umano ang posibleng pagtaas pa ng presyo ng tinapay sa mga susunod na buwan, bukod sa naunang price hike kamakailan.

Sinabi ni Pinca, pangunahing rason ngayon ang sunod-sunod na kalamidad sa iba’t ibang bahagi ng mundo, partikular na sa mga bansang pinagkukunan ng raw materials.

Wala na umano silang magagawa sa pagtaas ng presyo ng tinapay at may karapatan naman ang bakers na magpresyo ng kanilang baked products na kikita at mabawi ang kanilang investment.

Ayon pa sa negosyante, sa huling pag-angkat nila ng trigo ay pumalo na ito sa pinakamataas na presyo ngayong taon na hindi naman nila maaaring balewalain dahil sa nakaambang pagkalugi.

Si Pinca kasama ang ilang opisyal ng PNP-CIDG ay nagtungo sa DoJ para sampahan ng paglabag sa Consumers Act at economic sabotage ang 10 incorporators ng isang flour mill sa Valenzuela. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply