Price cap, isinulong sa Kamara

HINIMOK ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño ang administrasyong Aquino na magpatupad ng mga hakbangin laban sa talamak at mapagsamantalang pagtataas sa presyo ng langis.

Iginiit ni Casiño na ang talamak na pagtataas sa presyo ng langis ang isa sa mga dapat lutasin ni Pangulong Aquino dahil ang taumbayan ang pinahihirapan nito.

Posible aniyang magtuluy-tuloy ang pagsasamantala ng malalaking kompanya ng langis hangga’t walang malinaw na aksyon dito ang pamahalaan.

Nito lamang January 11 ay nagtaas ng hanggang 50 sentimos bawat litro ng gasoline ang tatlong dambuhalang kompanya ng langis na Petron, Shell at Chevron maging ang small players gaya ng  Phoenix at Total.

Dahil dito, muling nanawagan si Casino na ibasura na ang Oil Deregulation Law.

Sa ganitong paraan ayon sa mambabatas ay mabubura na rin ang imahen ng Department of Energy na nagmumustulang oil price monitoring facility lamang ng gobyerno. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply