Price hike ng “Pinoy Tasty” tuloy na

HINDI na umano mapipigilan ang pagtaas ng presyo ng “Pinoy Tasty” bread at iba pang tinapay mula Enero 17 dahil sa pananatili ng mataas ng presyo na asukal.

Mula sa P36 ay aakyat ito sa P38 habang piso naman ang itataas ng branded loaf bread at limampung sentimo sa bawat 10 pirasong pandesal.

Ang “Pinoy Tasty” ang pinakamabentang loaf bread ngayon sa merkado dahil halos P15 ang tipid nito kumpara sa mga may pangalang brand.

Umaasa naman si Walter Co, pangulo ng Philbaking, na walang magiging kasunod na pagtaas sa presyo ng tinapay.

Ayon sa mga grupo ng panadero, napako na naman ang pangako ng Sugar Regulatory Administration na bababa na ang presyo ng asukal sa unang linggo ng Enero dahil hanggang ngayon ay mahigit P3,000 pa rin kada sako ng asukal o P65 kada kilo.

Binigyan diin naman ng Phil Association of Supermarkets, Inc. (PASI) na nasa Department  of Trade and Industry (DTI) pa rin ang desisyon kung matutuloy o hindi nakaambang pagtaas sa presyo ng tinapay

Iginiit ni Atty. Federico Ples, pangulo ng PASI, na hindi sila papayag na ipatupad ang bagong price list ng mga bakers group hanggat walang permiso mula sa DTI. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply