Price hike sa Pinoy Tasty, ‘di na mapipigil

NAG-ABISO na ang Philippine Baking Industry Group (PhilBaking) na hindi na mapipigil ang planong pagtaas ng presyo ng Pinoy Tasty simula sa Lunes.

Sa kabila ng pagpapatupad ni Pangulong Benigno “Nonoy” Aquino, III ng Executive Order (EO) na Zero Traffit sa trigo, tuloy pa rin ang
dalawang pisong dagdag sa presyo ng naturang tinapay.

Ayon kay Philbaking President Simplicio Umali, aabutin pa ng buwan bago maging epektibo ang EO dahil may ginawa ng inventory ang mga
flour millers.

Nagpahayag naman si Executive Sec. Paquito Ochoa na hindi pa nakararating sa opisina ng pangulo ang nasabing kautusan.

Ang pagpapatupad ng zero tariff sa trigo at semento ay rekomendasyon ng economic team ng pangulo.

Layon nitong mabawasan ang pinapasang bigat ng sambayanan sa gitna ng kaliwa’t kanang pagtaas sa presyo ng bilihin at transportasyon.

Nangako naman si Umali na oras na magiging epektibo na ang Zero Tariff sa trigo  ay ibaba rin nila ang presyo ng tinapay.

Ang Pinoy Tasty ang pinakamurang loaf bread sa bansa na nabibili sa halagang P36 kumapara sa mahigit P50 ng mga may sikat na marka. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply