Pritil nasilat kay Bosbarawana

BINULAGA ng dehadong si Bosbarawana si outstanding favorite Pritil upang tanghaling kampeon sa 2011 Philracom Garnet III na ginanap noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Hindi na nakaungos si Pritil na sinakyan ni star jockey Jonathan B. Hernandez ng kunin ni Bosbarawana ang unahan sa huling 50 metro ng laban.

“Sabi ko nakabuwelo na kami kaya nang kunin namin yung unahan ay alam ko ng mananalo kami,” paliwanag ni class A rider Valentin Ramos Dilema na rumenda kay Bosbarawana.

Sinungkit ni Bosbarawana ang halagang P300,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Nakapagtala si Bosbarawana ng tiyempong 1:42.8 sa 1,600 meter race.

Sumegundo si Pritil na kumuha ng P112,500 habang naiuwi nina Barkley at Whistler ang P62,500 at P25,000 para sa third at fourth placers ayon sa pagkakasunod.

Samantala, nailista ni Coal Harbour ang unang panalo sa unang salang sa regular race matapos bumanderang tapos sa Three-year-old Special Condition sa nasabing araw ng karera.

Umoras ang batang kabayo ng 1:30 sa 1,400 meter race upang makopo ang added prize na P15,000 at unang kita na handog ng Philracom. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply