Pro at anti-RH, nagkaasaran sa committee hearing

NAGKAASARAN sa pagdinig ng House Committee on Welfare of Children ang mga kongresistang sumusuporta sa  Reproductive Health Bill at mga tutol dito.

Ito ay nang talakayin ang House Bill 13 na pangunahing inakda ni Parañaque Rep. Roilo Golez na nagsusulong sa pagbibigay ng  proteksyon sa mga fetus o unborn child.

Hinarang ni House Minority Leader Edcel Lagman na pag-usapan ang House bill 13 na panukala ni Golez, isa sa mga anti-RH congressman.

Sinabi ni Lagman na mali na pag-usapan ang panukala at sa halip ay iminungkahi niyang ibalik ito sa House Committee on Rules upang ilipat ito sa ibang  komite.

Giit ni Lagman na ang proteksyon ng “unborn child” ay ang anti-abortion law.

“The debate is not with respect to the protection of the life of the unborn because that is in the Constitution, the question is whether the committee has jurisdiction over the pending measure. That is the question,” ayon pa kay Lagman.

Natawa naman si Golez sa pahayag ni Lagman sa pagsasabing “I cannot help but chuckle because at first he (Lagman) refused to recognize the word ‘child’ and now he would like to elevate it to human, which I think human is properly more developed than a child.”

Sinabi ni Golez na dapat nang bigyan ng proteksyon ang “unborn child” mula sa “conception” laban sa anumang gamot na maaaring pumatay dito. Ang conception ay ang pagtatagpo ng semilya ng lalaki at egg cell ng babae.

Itinutulak naman ng pro-RH bill ang malawakang pagbibigay ng impormasyon upang makontrol ang paglaki ng pamilya kasama na dito ang pagtuturo sa paggamit ng contraceptives. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply