Problema ng OFWs sa Saudi pinabubusisi

INUDYUKAN ng isang baguhang kongresista si Pangulong Benigno Aquino III na lutasin ang matagal ng mga suliranin ng Filipino OFWs sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Ito ay matapos matuklasan ni Democratic Independent Worker’s Association (DIWA) Party-list Rep. Emmeline Y. Aglipay sa kaniyang pinakahuling pagdalaw sa KSA ang palagiang reklamo ng mga OFWs sa Embahada ng Pilipinas.

Nakalkal ni Aglipay sa June 2010 records ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang mga sumusunod na reklamo ng mga Filipino OFWs: pagka-delay ng sahod (25-porsiyento), overwork ( 20-porsiyento), maltreatment (20-porsiyento), documentation (19.7-porsiyento), poor working conditions (12-porsiyento), sexual harassment (3-porsiyento) at rape (0.3-porsiyento).

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa may 1.8 milyon ang kabuuang bilang ng mga dokumentadong Pinoy workers na nagtatrabaho sa KSA.

Bagamat ginagawa ng mga opisyal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) at ng Overseas Workers Welfare Administration(OWWA) ang kanilang tungkulin ay hindi pa rin ito sapat dahil sa walang puknat ang pagdagsa ng mga reklamo at problema na hindi agad maaksyunan ng mga naturang ahensya ng gobyerno.

Bukod sa mga nabanggit na problema nananatiling perwisyo rin sa mga OFWs ang Saudi Law hinggil sa pagkuha ng exit visa para sa sinumang lalabas ng bansa.

Nilinaw ni Aglipay na isa rin ito sa mga dahilan kung bakit mabagal ang repatriation sa mga distressed OFWs na kadalasan aniya ay lantarang pinapahirapan ng mga employers ang kanilang mga empleyado dahil sa hindi nito pagpirma sa exit visa.

Batay sa talaan, karamihan sa mga distressed OFWs sa Saudi ay mga non-skilled workers at mga household service workers o ang mga tinatawag na most vulnerable workers dahil specifically exempted ang mga ito sa umiiral na Labor Law.

Ang mga household service workers umano ang madalas na nakararanas ng pinaka-matinding mental at physical abuse mula sa kanilang mga employers kung saan minsan ay humahantong pa ito sa rape. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply