Property at services ng gobyerno isasapribado

MAGKAKAROON ng serye ng pagsasapribado  sa ibang ari-arian at serbisyo ng gobyerno.

Tiniyak ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr na pangungunahan ng mga eksperto ang mga nasabing serbisyo na makakagawa ng mas mabuting trabaho.

Aniya, bukod sa expertise ay kulang din sa pondo ang gobyerno kaya apektado ang operasyon ng mga government entities.

“Ang bsa ko talaga in government is we have to privatize as much as we can ng mga services. Kasi yung expertise ng government is  limited so there are a lot of areas that should be left to the private sector who is more equipped, has more logistics, and who are experts on those fields,” ayon kay Sec. Ochoa.

Ayaw namang banggitin ng tinaguriang “Little President” ang mga serbisyo o ari-ariang nakatakdang ibenta sa pribadong sektor.

Ang kaso ng government-run NBN 4 at mga sequestered television networks na RPN 9 at IBC 13 ay wala pa umanong pinal na desisyon. Kris  Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply