Protektor ng KFR Gang, ipinalalantad sa PNP,DILG

Ilantad ang pangalan at sampahan ng kaso kung may ebidensiya kayo.

Ganito ang hamon ni Sen. Francis « Chiz » Escudero sa hepe ng pulisya ng Cotabato City at Department of Interior and Local Government (DILG) matapos naiulat na naaresto nila ang mga suspek na responsable sa sunud-sunod na kidnapping sa lugar.

Iniulat ni P/Sr. Supt.  Willie Dangane  kamakailan na inamin ng mga suspek sa kidnapping sa kanilang sworn statement na pinatatakbo at binibigyang proteksiyon ang kanilang grupo ng ilang opisyal ng pamahalaan, ngunit ayaw naman tukuyin ng opisyal.

Sinabi ni Escudero, chairman ng Senate national defense and security committee, na walang kuwenta ang pahayag maliban na lamang kung magsasagawa ng kaukulang aksiyon at panghihimasok ang pulisya sa harap ng lumalalang kidnapping sa lungsod at katabing bayan.

“They should name names and not simply pass the buck to a nameless and faceless category of people usually used as a ‘whipping boy’ even in movies. I challenge the PNP and the DILG to file cases against those that they have evidence against,” ayon kay Escudero. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply