PSC chair hindi patas sa NSAs

PUMALAG ang ilang national sports associations (NSAs) dahil umano sa hindi patas na pakikitungo ng Philippine Sports Commission (PSC) sa kanila.

Ayon sa mga sources, nabubwisit ang ilang NSAs kay chairman Ricardo Garcia bunsod nga ng pagtabla sa ilang organisasyon pagdating sa paghahati-hati ng finances.

Kahit pa umano noong commissioner pa lamang si Garcia ng ahensya ay may pinapaboran na umano ang nasabing opisyal.

Ito rin umano ang sanhi kaya hindi na maganda ang pundasyon ng Philippines sports at ang nagdurusa ay ang mga kawawang atleta.

Matatandaan na pinayuhan ni Garcia ang ilang NSAs na humingi na lamang ng tulong sa mga pribadong sektor kung nais ng mga ito na magkaroon o madagdagan ang kanilang pondo para sa kani-kanilang grassroots development programs ngayong taon.

Mas bibigyang pansin umano ng PSC ang mga atleta na kasalukuyan nang nasa national team at national training pool.

Dahil sa pangyayaring ito ay itsapwera muna ang national developmental pool dahil ayaw itong pagtuunan ng pansin ng nasabing governing body.

“We have to set aside muna yung national developmental  pool. Dito muna tayo sa training pool at sa national team. Dito muna tayo mag-concentrate outside of the grassroots programs,” pahayag ni Garcia.

Kasalukuyang 650 athletes na ang nasa listahan ng national pool subalit nabibigatan na rin ang PSC dahil nais ng ilang national sports associations na magdagdag pa ng mga kasapi.

Limitado umano ang budget, ayon kay Garcia, kaya hindi maaaring pagbigyan ang mga ito.

Ayon kay Garcia, kinakailangan pa rin ang suporta ng private sector upang mabigyan ang NSAs ng karagdagang nutritional needs at allowances para sa developmental athletes.

”We have come up with a policy, and this does not cover developmental athletes. The NSAs can ask the private sector for help,” paliwanag ni Garcia.

Subalit nagpahayag ang mga kritiko na dapat bantayan ni Garcia ang mga personalidad at ilang sports officials na nagpupumilit na maisingit ang kanilang mga alaga sa listahan ng national team.  Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply