PSC chief ningas kugon at inutil sa anomalya sa PSC?

NANANATILING palaisipan pa rin umano sa marami kung ano na ang nangyari sa imbestigasyong ipinakasa ng Philippine Sports Commission (PSC) laban sa mga sangkot sa anomalya sa pagkuha ng security agency ng ahensya.

Noong Agosto 6 ng nakaraang taon ay magugunitang winakasan na ng PSC ang kontrata nito sa isang security agency na namamahala sa mga pasilidad at sports venues sa Rizal Memorial Sports Complex sa Metro Manila at Philippine Sports Arena sa Pasig City.

Ayon kay PSC chairman Richie Garcia, ang nasabing ahensya ay nakakuha umano ng mahigit P2 million sa bawat buwan mula sa pondo ng kanilang tanggapan.

Natuklasan na 108 lamang umano ang nakalista sa binabayaran ng sports agency na mga sikyu at nagtaka na lamang ang PSC kung bakit pumalo sa 213 ang mga ito.

Matatandaan na nangako rin si Garcia na paiimbestigahan niya ang nasabing pangyayari ngunit hanggang ngayon umano ay wala pa ring kinahinatnan ang pagsisiyasat rito.

Subalit nagtataka ang mga impormante ng Remate Sports sa kinahantungan ng imbestigasyon dahil malinaw na ang ebidensiya mula nang matuklasan ito ngunit mistulang nakaharap sa blangkong pader ang PSC.

“Bakit antagal na niyan, wala pa ring resulta? Dapat alam na ng lahat kung sino-sino ang mga sangkot dito!” pahayag ng isang opisyal na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Binigyang diin pa ng source na mistulang ningas-kugon lamang ang kampanya ni Garcia laban sa mga buwaya sa PSC dahil hanggang ngayon ay wala pa ring nasisibak sa mga nasangkot sa milyon-milyong nawala sa PSC na kagagawan  umano ng mga buwitre sa nasabing sports body.

“Nakapagtataka nga namang tinanggal na ang security agency, pero ‘yung mga sangkot sa anomalya nananatili pa rin sa ahensya? Paano mo sasabihing seryoso ka sa kampanya mo kung mismong ang mga sangkot dito ay ‘di mo naman kayang sibakin?” tanong pa ng source sa panayam.

Una nang natuklasan na tumatanggap umano noon ang ilang sekyu ng P20,000 kada buwan ngunit hindi malinaw kung talagang nakararating ito sa mga security personnel. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply