Public hearings para sa RH bill, isusulong ni Pia Cayetano

PURSIGIDO si Senadora Pilar Juliana “Pia” Cayetano na magkaroon ng maraming pampublikong pagdinig ngayong taon hinggil sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) measure.

Kahit na di prayoridad ng liderato sa Senado ang Senate Bill No. 2378 ni Sen. Miriam Defensor Santiago, sinabi ni Cayetano na bilang chairperson ng Senare Committee on Health and Demography, tungkulin niyang isailalim ang nasabing RH bill sa legislative process.

“There is a legislative process that must be observed and as chair of the primary committee that is hearing the RH Bill, it is my duty to take the proposed measure through said process, whether or not it falls under the priorities of the current Senate majority,” ani Cayetano.

Ayon sa senadora, maraming isyung may kaugnayan sa panukala ang dapat mabusisi tulad ng high maternal death rate at ang pagkakaroon ng national policy on family planning.

“The inputs of all stakeholders will be heard during said hearings,” ani Cayetano.

Maliban sa RH bill, isusulong din ng komite ni Cayetano ang pagtalakay sa mga mungkahing palakihin ang sakop at benepisyong medikal sa ilalim ng Philhealth program.

Ani Cayetano, pagsisikapan din ng kanyang komite na isulong ang monitoring ng pagtupad ng gobyerno sa public health targets nito alinsunod sa Millenium Development Goals ng United Nations.

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply