Public participation, hiling ng Social Watch

NANAWAGAN ngayon ang Social Watch Network sa pamahalaan ng Pilipinas na dapat isa-institusyon na nito ang pagsasama ng publiko sa lahat ng bahagi ng Financial Cycles ng pamahalaan dahil sa kanila rin naman nagmumula ang mga ito.

Sa isang lecture, sinabi ni Prof. Leonor Briones, dahil na rin ang pagtahak naman ng matuwid na landas ay dapat na maging mas demokratiko ang lahat ng gawain, tulad ng polisiyang pampananalapi, paggasta, at maging panghihiram ng pamahalaan.

Sa ngayon kasi ay halos impormasyon na lamang ang natatanggap ng mga mamamayan kung paano ginagasta ang kanilang buwis kaya naman sakaling hindi sila nagugustuhan ang mga isang polisiya ay wala silang tahasang magagawa upang labanan ito.

Sinabi pa niya, kahit na sa usapin ng accountability ay wala ring malinaw na partisipasyon ang mga mamamayan at tanging impormasyon na lamang kung sinu-sino ang naparurusahan ang kanilang nalalaman, nang walang malinaw na paliwanag kung paano ito napagdesisyunan.

Pagdiriin pa ni Briones, tanging sa usapin lamang ng pangungutang nagkakaroon ng parte ang mga mamamayan ngunit maging sa bahaging ito ay tanging lobbying lang ang maaaring gawin ng mga mamamayan at walang tahasang partisipasyon.

Payo ng Social Watch, kung tunay ngang nakikinig ang pamahalaan sa mga Pilipino ay isang magandang hakbang ang ipasok ang mga ito ng tuluyan sa mga prosesong may kinalaman sa pananalapi at gayon na rin maging sa usapin ng accountability sa mga ito. Jayzl Villafania Nebre

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply