Publiko pinag-iingat sa binibiling sasakyan

KAUGNAY sa pagkakadakip sa walong hinihinalang miyembro ng carjacking syndicate sa Cavite, pinayuhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang publiko sa pagbili ng mga segunda manong sasakyan.

Iginiit ni PNP-HPG Supt. Edwin Butacan na nararapat munang ipa-clear sa HPG ang nabiling sasakyan bago  bayaran upang  malaman kung ito ay carnap o hindi ang sasakyan.

Binigyan diin ni Butacan na mayroong mga insidente na inosente ang mga buyer na nakaw ang binibili nilang sasakyan dahil hindi nalalaman na peke o huwad ang mga papeles na ipinakikita ng sindikatong nagbebenta ng sasakayan. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply