Puerto Princesa airport bukas na

BUKAS na ang Puerto Princesa Airport sa Palawan umaga ng Miyerkules, matapos ang 24-oras na plane accident na nagresulta ng pagkasira ng mga pasilidad sa naturang paliparan.

Ayon sa radio report ng dzBB, nagsimulang mag-operate muli ang paliparan matapos makumpuni ang runway ng Cebu Pacific passenger plane na nawalan ng kontrol bandang 7 p.m., Martes.

Nagkaroon ng problema ang naturang eroplano kung saan nag-landing ito sa madamong parte ng airport na nagresulta ng pagkasira ng ilang runway lights. Wala namang napaulat na nasaktang pasahero.

Matatandaang napaulat na pinahinto ang paglipad ng Manila-bound Philippine Airlines plane bunsod sa naganap na aksidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply