PUJ nawalan ng preno sa QC, 17 sugatan

Libing-pito ang sugatan makaraang mawalan ng preno ang isang pampasaherong jeep  at sumalpok sa isa pang nakaparadang jeep sa Philcoa, Quezon City, umaga ng Biyernes.

Ayon sa inisyal na report ng dzBB, nawalan ng preno ang minamanehong jeep na puno ng pasahero ni Jorie Camadu kung kaya isinampa na lamang nito sa gutter ang sasakyan sa Ayala Techno Hub Commonwealth.

Si Camadu ay nagtamo rin ng mga sugat sa tuhod at siko habang ayon sa paunang ulat ng dzBB, isa sa mga sugatan ay estudyante.

Nabatid na nabunggo pa ng naturang jeep na may biyahe galing SM Fairview papuntang Cubao  ang isa pang jeep na nakaparada lamang sa sidewalk ng overpass na may biyahe namang Bagong Silangan-Philcoa.

Sinugod ang 10 biktima sa East Avenue Medical Center matapos mabigyan ng paunang lunas ng Quezon City Rescue team at Philippine National Red Cross habang ang pito naman ay nagtamo lamang ng mga maliliit na sugat.

Samantala, mahaharap sa kasong  reckless imprudence resulting in physical injuries ang drayber ng naturang jeep. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply