Akusadong Pulis-Maynila na nanggahasa, sumuko

NASA  protective custody na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang cop rapist matapos itong sumuko kay Justice Secretary Leila de Lima hinggil sa kinasasangkutan nitong kasong rape at robbery sa isang vendor noong Disyembre 31 2010.

Sinabi ni de Lima na si PO3 Antonio Bautista  ng Manila Police District Intelligence Division ay hindi naman testigo kundi isang suspek kaya hindi siya maaring isailalim sa pangangalaga ng DOJ-Witness Protection program.

Ayon pa kay de Lima,  lumapit ang kapatid ni Bautista sa kanya upang humingi ng tulong  para sa seguridad nito matapos magpalabas ng ulat ang MPD na may patong na P100,000 ang kanyang ulo para sa mabilis na pagkakaresto nito.

Sinabi naman ni NBI director Magtanggol Gatdula na mananatili sa kanilang kustodiya si Bautista hangga’t hindi pa umano lumalabas ang warrant of arrest mula sa korte kaugnay sa inihain kaso na robbery at rape, na naganap noong Disyembre 31, dakong 5:30 a.m, sa mismong MPD headquarters, sa opisina ng MPD-Integrity Task Force.

Gayunman, sinabi ni de Lima na nakasalalay pa rin sa mga abogado ni Bautista kung makiki-cooperate ito sa preliminary investigation ng kaso.

“The brother talked to me and told me ako ang choice ni PO3 na mag-surrender daw. Sabi ko I can only facilitate the surrender,” ani De Lima.

Nabatid na nagpalabas na rin ng report ang National Police Commission (Napolcom) kung saan isa si Bautista sa sinibak na sa serbisyo sa kasong administratibo.

Samantala, sisimulan na rin ng MPD na makipag-ugnayan sa NBI upang mailipat sa kanila ang kustodiya para kay Bautista.

Ayon kay Chief Inspector Edwin Margarejo, MPD spokesman, iniimbestigahan na rin ng MPD ang kaso ni Bautista kung saan tinitiyak nilang mapaparusahan ang suspek kung mapatutunayang may sala ito.

Ayon kay Margarejo, tiyak na mabilis na tatakbo ang kaso kasunod ng paglitas ni Bautista. Jocelyn Tabangcura- Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply