Pulis, opisyal na sangkot sa carnapping syndicate target ng DoJ

TARGET ng Department of Justice (DOJ) na isiwalat sa publiko ang mga awtoridad na posibleng nagbibigay proteksyon sa mga carnapping syndicate.

Isang fact-finding team ang itinatag ng DOJ na magsasagawa ng imbestigasyon sa mga police at government officials na sangkot sa sindikato ng carnapping.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, na ang fact finding team ay binubuo ng mga opisyal mula sa DOJ at sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Iginiit naman ng Kalihim, mahirap umanong paniwalaan na lumaki ang nasabing sindikato nang walang tulong sa mga opisyal ng gobyerno at mahirap din umanong gumalaw ang sindikato ng walang sangkot na mga opisyal.

Dahil dito pinag utos na rin ni de Lima ang pag-audit sa mga kaso ng carnapping na nakabimbin sa DOJ at posible rin umano nitong ipag-utos ang muling pagbubukas ng kaso kung kinakailangan.

Nais din na malaman ng Kalihim kung paanong nakapag piyansa si Raymond Dominguez,ang isa sa pangunahing suspek sa pagpatay sa car dealers na sina Emerson Lozano at Venson Evangelista sa 19 na kaso ng carnapping.

Ipinag-utos na rin ni de Lima ang imbestigasyon sa brutal na pagkidnap at pagpatay kay Lozano at Evangelista. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply