Pulis sa Maguindanao massacre ililipat sa Crame

ILILIPAT ng ospital ng Philippine National Police and nakadetineng pulis sa Camp Bagong Diwa sa Taguig matapos maghain ng mosyon dahil sa kanyang karamdaman na diabetes.

Sa utos ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng RTC Branch 221, maililipat si Senior Police Officer 1 Elizer Rendaje mula Camp Bagong Diwa patungo sa ospital sa Kampo Crame.

Pinayagan ng hukom ang mosyon ni Rendaje na akusado sa kanyang pakikibahagi sa Maguindanao massacre, kung saan 58 katao ang napatay, kasama ang 32 mamamahayag sa bayan ng Ampatuan noong Nob. 23, 2009, nang hindi makitaan ng pagtutol ang prosekusyon.

Inatasan din ang magiging doktor ni Rendaje na isumite ang medical records nito sa korte anumang oras na kailanganin. Ben Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply