Que, humataw sa TCC invitational

SINIMULAN na ni Angelo Que ang kanyang title defense laban sa mga matitinding kalaban sa P4.9M The Country Club Invitational sa pagsipa ng 12-leg ICTSI-Philippine Golf Tour sa The Country Club course sa Canlubang, Laguna.

Ang 2007 winner na si Que, 32 taong gulang, ay nagpahinga ng saglit bago sasalang sa laban sa nasabing lugar.

Kasama niya sa praktis si national team coach Bong Lopez na siyang humahasa ng kanyang husay at talino sa paglalaro.

Kaya naman, naniniwala si Que na nakahanda na siya laban sa 35 players na humahamon sa kanya para sa P1.4-million top prize.

Kabilang sa mga kalaban niya sina Juvic Pagunsan, former winners Frankie Minoza, Artemio Murakami, Antonio Lascuna, Cassius Casas, at Jerome Delariarte.

Habang isinusulat ito, nakatakda siyang sumagupa sa laban kasama sina Danny Zarate at fellow former Philippine Open champion Gerald Rosales. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply