Rajko Toroman problemado sa Gilas

NAHIHIRAPAN si Rajko Toroman sa pagtimon sa Smart Gilas team lalo pa’t ang mga professional players nito mula sa Philippine Basketball Association (PBA) ay hindi tutok sa grupo.

Ayon sa national developmental team coach, ang pagiging hindi tutok ng ilang atleta sa team ang dahilan kaya nabigo sila sa nakara ang Asian Games sa Guangzhou, China.

Bagama’t nakuha ng grupo ang tulong ng PBA players na sina Asi Taulava, Kelly Williams at Sol Mercado, hindi naman umano nila nakasama nila sa praktis ang tatlo at isang buwan bago ang aktwal na sagupaan mula November 12-28 sa quadrennial meet.

”The biggest problem we had then was they’re (PBA players) playing for their mother teams and practicing with us twice. That’s not enough. We need to play solid for two or three months as a complete team,” wika  ni Toroman.

“We got quality players with Asi, Kelly and Sol, but we didn’t get into game shape. The PBA players gave us a lot defensively, but we didn’t really get the time to jell.” Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply