Ravena, Baser pararangalan sa UAAP-NCAA Press Corps awards night

KABILANG sina Kiefer Ravena ng Ateneo at Baser Amer ng San Beda ang bibigyan ng recognition ng UAAP-NCAA Press Corps sa magaganap na Collegiate Basketball Awards sa Enero 17 sa Topaz 1 ng Gateway Suites sa Cubao, Quezon City.

Ang dalawang basketbolista ay hindi nagdalawang isip na piliin ng grupo ng sportswriters na galing sa iba’t-ibang broadsheets at tabloids na nagkocover collegiate para sa Juniors Player of the Year honors.

Sina Ravena at Amer ay makakasama nina Ateneo coach Norman Black at San Beda coach Frankie Lim na pararangalan sa event na mag-uumpisa ng 7p.m na prinesenta ng Smart, ACCEL, 316, FilOil, Terrilicious, Gatorade, San Miguel Corporation at ng Philippine Sportswriters Association.

Sina Black at Lim ang UAAP at NCAA Coach of the Year, ayon sa pagkakasunod habang sina Far Eastern University’s RR Garcia at Aldrech Ramos, San Beda’s Sudan Daniel, Ateneo’s Kirk Long at San Sebastian’s Calvin Abueva ang pararangalan sa Collegiate Mythical Five.

Tatanggap naman ng Super Senior honors sina San Beda’s Borgie Hermida at Ateneo’s Eric Salamat kasama sina Ateneo’s Ryan Buenafe at San Beda’s Garvo Lanete bilang Pivotal Player awards.

Bibigyan din ng Posthumous award si late Abante photographer John Paulino at tribute kay late former UAAP at NCAA deputy commissioner Tanny Gonzales at web writer/photographer Quincy Reyes, na kamamatay lamang sa edad na 22.

Dinala ni Ravena Blue Eaglets sa third straight UAAP juniors title at napangalanang Finals Most Valuable Player. Nag average siya ng 18.9 points, 4.3 rebounds, 4.1 assists at 2.7 steals.

Samantala, hindi lang ang NCAA season MVP ang inangkin ni Amer pati Finals MVP upang ihatid ang San Beda para sa second straight title matapos mag average ito ng 15.8 points, 8.4 rebounds, 11.9 assists at 2.5 steals. Elech Dawa


Leave a Reply

*
nyaahahahah tulad nitong si 'kapay' nangopya lang...
nyahahah ay korek ka pero dapat mong pagtawanan n...
sa mga kapamilya KUPS ipag dasal ninyo ang matagum...
Wala naman kaming pakialam kung ginaya lang ang TL...
yuhooo mga kapamilya KUPS hahahah anyare na kay E...
nyahahaha tinipid nga eh hahahahah,,,,minadali pa...
nyahahahah Trending ang nagiisang produce ng katol...
ohhh may fucking abshit cibuyas hahahahah may nag...
nyahahahahaha carmela 23 percent ikaw lamang 21 ...
nako, sa lahat ng telebabad sa Dos, yan ang inuuna...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.