Razon: Di kailangan maging public official para sagipin ang mga biktima ng kalamidad

TO BE EXACT, one month and a day since Christmas 2010 ay ngayon lang ginanap ang UNTV Press Night ni Daniel Razon  bilang pa-Christmas party sa mga manunulat. Mayroon naman siyang reason, “Gusto ko kasi akin kayong lahat. Kung ginanap ko ito noong December 25 o any day during the holiday, tiyak hindi lahat kayo ay makaka-attend.”

Wala naman itong pagkaiba sa mga party noon, may parlor games at raffle, kaya maraming umuwing nakangiti dahil karamihan ay may bitbit na mga premyo maliban sa masarap na hapunan ng Cabalen-West Avenue sa Quezon City.

Sa interview kay Daniel ay muli nitong nagpahayag na wala siyang planong tumakbo sa gobyerno, “Tulad ng lagi kong sinasabi, wala akong plano.  Masarap gumagawa ng isang bagay na gusto mong gawin at hindi ‘yung iisipin ng tao na dapat mong gawin ‘yan dahil trabaho mo ‘yan at binabayaran ka d’yan.”

Dagdag pa, naniniwala siyang mahirap ang nasa politiko dahil marami pakikibagayan at kung hindi mapagbigyan ang iba, sisilipan ka ng puwedeng gawing isyu laban sa’yo.

“Parang mahirap pumunta doon ng hindi ka maglalaro sa kanila.  Kailangan laruin mo ‘yung game nila dahil wala ka rin magagawa.”

Mas gugustuhin nito ang pribadong pamumuhay kung saan libre siyang makagawa ng mga proyekto tulad ng concerts, movies at ibang proyekto dahil mula sa kita dito ay gagamitin ito sa mga charitable project.

Tulad ng pagpapatayo nila La Verdad, isang eskuwelahan sa Caloocan City na puwede kang makakuha ng kursong Mass Communication at Nursing. Libre ang mga estudyante dito mula sa matrikula, uniporme, pagkain at hanggang sa pamasahe.

Sa ngayon ay nakatutok sila sa kanilang pinakabagong proyekto, ang Mobile Evacuation Center. May tatlo silang covertible bus na may mga deck para sa nasunugan, binaha at iba pang biktima ng kalamidad.

May sariling lutuan ang mga bus at pati na CR. Ipaparada lamang ang mga ito sa lugar na may kalamidad at tatanggap sila ng mga biktima ng kalamidad.

“Ang UNTV ang nag-spearhead nito at may support naman ang Dating Daan thru Bro Eli aside from my projects where we derived funds.

“Magte-train din kami ng mga tao thru the mobile bus ng mga iba’t ibang paraan ng livelihood at ‘yung makakapasa ay bibigyan namin ng pampuhunan to start with the business.

“Ang hihingiin lang namin bilang kapalit eh, ‘yung makapag-produce din sila ng another set para sa iba. Sila naman ang tumulong.”

Darating ba ang panahon na magsasawa ka rin sa pinaggagawa mo?

“Sana hindi. Ayaw kong dumating ang time na ‘yon. Parang dumating ang time na ‘yun, feeling ko, magiging masamang tao ako pag nagkagan’un. Siguro pag patay na ako, that’s the time na rest na ako, that’s gonna be the end of it.” Alex Datu

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login