Reclusion Perpetua sa mga carnappers – Rep. Tieng

HABAMBUHAY na pagkabilanggo ang isinulong ng isang kongresista na dapat ipataw na kaparusahan sa sinumang carnappers maging ito man ay ginamitan ng dahas, pwersa, pananakot at pagpatay.

“Carjacking has become an even more gruesome crime these days. People lose not only their cars but their lives as well. Targets of this terrifying scourge nowadays are dealers who try to sell rather ordinary cars, ito ang isinaad ni Buhay Party-list Rep. Irwin Tieng.”

Sa kasalukuyang umiiral na ang Anti-Carnapping Act o sa ilalim ng Republic Act No. 6539 na naging batas noon pang 1972, ang sinumang mapatutunayang carnappers ay maaari pang magpiyansa na siyang ginagamit ng mga kriminal na nasasangkot dito upang matakasan ang batas.

Ito ang nag-udyok kay Tieng na isulong ang pag-amienda sa  Anti-Carnapping Act upang  ang sinumang mapatutunayang lumabag dito ay maparurusahan ng Reclusion Perpetua.

Tinukoy ni Tieng na nakasaad sa Section 14 ng Anti-Carnapping Act of 1972 na ang mapatutunayang carnappers ay makukulong lamang ng ng hindi bababa sa 14 na taon at walong buwan kahit anong sasakyan pa ang ninakaw at hindi hihigit sa 17 taon at apat na buwan ang parusa kapag ang pangangarnap ay ginamitan ng pananakot at dahas.

Ngunit sa ilalim ng panukala ni  Tieng ang sinumang mapatutunayang carnappers kahit ginamitan ng dahas o hindi at pagpatay ay mahaharap sa parusang Reclusion Perpetua. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply