Recruitment system ng PNP ipinababago

PANAHON na upang i-overhaul ang recruitment system ng Philippine National Police upang masiguro na hindi man lubusang masugpo ay maibsan ang patuloy na paglobo ng mga pulis na nasasangkot sa iba’t ibang krimen.

Isinulong ni Quezon City Rep. Winnie Castelo ang panukalang ito bunsod na rin sa nakaaalarmang insidente ng mga krimen na kinasasangkutan ng ilang miyembro ng PNP nitong nakalipas na ilang linggo.

Sinabi ng kongresista na noon pang 19th century ang ipinatutupad na sistema ng PNP at hindi na naaayon sa ngayon.

Aniya, hindi kailangan ang maraming panukala para ma-overhaul ang PNP, dahil ang kailangan lamang ay  pagbutihin ang recruitment na malaki ang magagawa ng Director-General.

Hindi na rin aniya napapanahon ang 3-strike policy dahil lumalabas na kinukunsinti ang habitual o paulit-ulit na opensa ng pulis.

“Actually when we apply this policy, we are promoting deferred punishment akin to a baseball game when you strike out at the third time which cannot apply in real world situations,” paliwanag nito.

Sinabi rin ni Castelo na pinag-aaralan niya ang pagtanggal ng 3-strike policy na ipinatutupad ng PNP. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply