Regine Velasquez, naging tagahugas ng plato sa sariling kasal

ISANG nakakawindang ang nakakalerky na tsika ng aming tsismosang kapitbahay ay itong maraming nagulat sa paghuhugas daw ni Regine Velasquez ng plato noong araw ng kanyang kasal.

Halos lahat naman ay hindi makapaniwala na si Regine ang naging taga-hugas ng pinggan sa kanyang reception ng kanilang kasal ni Ogie Alcasid.

Ang kuwento naman ng aming tsismosang kapitbahay na naghugas daw si Regine ng pinggan at kinulang ang plato ng dumating sina Michelle Van Eimeren at dyowa nito na need na makagamit ng pinggan.

Pero marami pa rin ang hindi makapaniwala sa bulong ng aming tsismosang kapitbahay na si Regine ang naghugas ng pinggan sa pagkakainan ng mag-asawang Michelle at Mark.

Wala ba daw itong dishwasher para siyang maghugas ng pinggan kung sakaling kinulang man ang pinggan sa nasabing reception ng kasal nina Ogie at Regine?

Kung trulili ang tsika na naghugas ng pinggan si Regine ay nakakalerky talaga ang tsimis na ito, di ba?

‘Yun na!

VICE GANDA, LAGING LATE SA SHOWTIME

Nakakaloka naman itong tsika ng aming tsismosang kapitbahay na kung saan ay napapabayaan at lagi daw late itong si Vice Ganda sa kanilang show sa Kapamilya na Showtime.

Puyat naman daw kasi itong si Vice sa pagsuporta sa kanyang rumored bf na basketbolista at bukod daw sa basketball player ay may isa pa raw itong kinahuhumalingan kaya naman super mega ngarag na raw ang katawan nito at hindi na makapasok on time sa showtime.

Dagdag sitsit pang aming tsismosang kapitbahay na binigyan na daw itong memo sa lagi na lang daw nitong late sa noontime show.

At nakakaloka pa ay dalawa daw ang bf nito na isang basketbolista at isang hinete sa karerahan ng kabayo.

Kapag may laro daw ang dalawang bf ay super mega lagare ang lola at gusto naman daw nito na masuportahan ang dalawang rumored bf.

Kaya ito daw ang dahilan na madalas ng pagka-late ni Vice sa Showtime ayon pa sa aming tsismosang kapitbahay.

Bukod naman sa pagsuporta ni Vice sa nali linkna dyowaers ay gravecious din daw itong pumusta ng taya dagdag bulong pa ng aming tsismosang kapitbahay.

Marami naman ang naghihinayang dito kay Vice kapag bumagsak ang career nito at nandoon na daw siya sa peak ng kasikatan.

Ganda talaga ng lola ninyo at dala-dalawa talaga ang bf ha, trulili ba etech?

At ang nakakaloka pa ay itong hindi naman daw iniintindi ni Vice kung dagsain siyang memo ng management ng Dos.

At ang alam ni Vice ay siya ang nagdadala ng show at kaya umaangat ng rating nito kaya kampante ang bakla na never siyang sisipain o tsutsugihin sa nasabing Showtime show ng Kapamilya.

Ganun.. .? Abangan! Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply