Research & Development: Puhunan sa pag-unlad ng ekonomiya

BAGAMA’T mabilis ang pagsasabatas ng Government Appropriations Act (GAA)  sa 2011, malaki pa rin ang inaasahang kakulangan sa pagtatatag ng isang mahusay na research & development (R&D) environment sa Pilipinas gamit ang public funds.

Ayon sa mga pag-aaral, kinakailangang gumastos ang isang ‘developing country’ gaya ng Pilipinas ng isang porsiyento ng gross domestic product  (GDP) nito para sa R&D. Ngunit ayon na rin sa  mga huling datos ng Department of Science and Technology (DOST), noong 2007, umabot lamang sa 0.12% ang ginugol ng Pilipinas para sa pananaliksik.

Mas mababa ito kesa sa ginastos noong 2003 na umabot naman sa 0.15% ng GDP.

Isa sa mga paraan na makapagpapataas ng productivity  dulot ng R&D para sa ekonomiya,  ay ang pang-eengganyo sa mga banyagang kumpanya na mamuhunan dito sa bansa na dito rin maaring gawin ang kanilang mga R&D activities.

Ang ganitong pa-mamaraan ay magiging epektibo depende sa mga bagay na magtutulak at hihila sa  foreign companies na maglagak ng kanilang produksiyon dito sa Pilipinas.

Ayon sa Philippine Institute of Development Studies  (PIDS),  ang mga bansang ito ay mamumuhunan lamang sa isang bansa kung kinakailangan nitong manatiling competitive o lumalaban sa global market, at kung may mga sapat na  dahilan para dito mamuhunan sa bansa.

Kabilang sa mga dahilan na ito ang pagkakaroon ng mga de-kalidad na manggagawa para sa R&D na binubuo ng engineers at  highly-trained science professionals, lawak ng merkado ng mga produkto sa bansa;  at  enabling at policy incentives.  Kabilang dito ang proteksyon ng intellectual property, malakas na innovation system, maayos na ka-lidad ng edukasyon, maayos na physical and communication infrastructure , mababang halaga ng pamumuhunan sa negosyo, pagkakaroon ng science and technology parks, at maayos na serbisyo ng Information & Communication Technology (ICT).

Ang kakulangan sa koordinasyon sa pagitan ng pamahalaan, akademya, lokal na mga organisasyon at iba pang R&D entities ay isa sa mga dahilan kung bakit umaatras ang maraming mamumuhunan sa bansa.

Gayundin ang epekto ng mataas na halaga ng mga kagamitan at pasilidad na apektado naman ng mga polisiya sa importasyon ng mga makinang kinakaila-ngan para magsagawa ng R&D.

Inirerekomenda ng PIDS na taasan ng gob-yerno ang nakalaang budget at paggugol sa R&D upang mas maengganyo ang mga bansa na mamuhunan dito sa Pilipinas.  Ka- ilangan din anya  ang kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng iba pang mga research institutions , at ituring ang R&D bilang isang pagkakakitaan ng  pamumuhunan.

Sa ngayon, mababa pa rin ang nakalaan na budget ng gobyerno para sa R&D na mula sa budget ng DOST, Department of Agriculture, Department of Health at state universities and colleges na gaya ng UP at iba pang pampublikong research institutions.

Inaasahan na sa tulong ng national innovation system na itinatag ng DOST at  Presidential Coordinating Council on Research and Development, maaaring magbago ang turing ng pamahalaan sa R&D, hindi bilang gastusin o expenditures kundi bilang pamumuhunan o investment.  Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply