Retirement benefits ng OFWs isinusulong

ISINULONG ni Alagad partylist Rodante Marcoleta ang panukalang nagsusulong sa retirement pay o voluntary separation benefits para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Binigyang diin ni Marcoleta sa House Bill 1334 na mabigyan ng sapat na pondo ang mga magsisipagretirong OFW upang makapagsimula ng isang negosyo o iba pang maaaring pagkakitaan.

Sa pamamagitan ng HB 1334, iminungkahi ng kongresista na maitatag ang Overseas Filipino Workers Social Security and Retirement System na ang mga magiging benepisyaryo ay yaong mga dokumentadong OFW na nakarehistro sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Batay sa panukala na tinawag ni Marcoleta na “system” ay siyang magiging responsible sa pagbibigay ng retirement benefits at welfare assistance sa mga OFW at sa kanilang mga kaanak.

“Under the system, a trust fund shall be establish which will constitute the contributions of OFW,” paliwanag pa ni Marcoleta.

Sakop ng benepisyo ang mga OFW na tinanggal ng mga employer at ang kontribusyon ng OFW ay ititigil na ngunit sakop pa rin ito ng benepisyo.

“ It further provides that all covered OFWs who had paid at least 120 monthly contributions prior to the semester of retirement and who has reached the age of 45 shall be entitled to a monthly pension.”

Sakali mang masawi o mamatay ang isang rehistradong OFW ang kaniyang mga pangunahing benepisyaryo ay tatanggap ng 80 porciento ng buwanang pension.  Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply