Richard Gutierrez, matagal nang inililihim ang relasyon sa bagong leading lady

SEASON na naman ng mga hula-hula kaya nang tineks kami ni Madam Suzette Arandela na kararating pa lamang galing America ay agad kaming nag-reply sa sabay ang kanyang vibration tungkol sa real score ng nababalitang romansa nina Richard Gutierrez at Solenn Heusaff, ang bago nitong leading lady sa Captain Barbell.

Agad din siyang siyang nag-reply at kinumpiramang may relasyon ang dalawa pero inililihim nila ito.

Muli namin siya tinanong tungkol sa rason ng kanilang paglilihim ay dahil ba may commitment na ang finalist ng Survivor Philippines na agad namang sinagot ni Madam Suzette ng ‘OO’ as in, may karelasyon ito sa ibang bansa.

Just recently ay naisulat namin na isang reliable source ang nakita ng mga larawan ni Solenn na kuha kasama ang kanyang mga kabarkada isang halloween party. Naka-costume silang lahat at may ilang larawan na nagpakitang kasamang guy si Solenn na talagang magdikit ang kanilang mukha.

Kapansin-pansin diumano ang pagkakatulad ng kanilang disenyo o pintura sa mukha.  Sobrang sweet ang pose ng dalawa kaya pakiramdam ng aming source ay boyfriend ito ng baguhang aktres.

Sa isang kolum na puno ng hula-hulaan ay nabanggit doon na mauuwi sa pagiging magsyota ang dalawa pero walang kompirmasyon dahil hula lamang ito na puwedeng magkatotoo at puwedeng hindi.  Kaya hindi dapat huwag seryosohin.

***

Nasundan ang aming pagtatanong at ito ay tungkol sa pagkapanalo ni Ai-Ai delas Alas sa pag-best actress sa pelikula ng Star Cinema, Ang Tanging Ina Mo Rin, Last Na ‘To!  Base sa kanyang sagot ay deserving ang komedyana sa kanyang pagkapanalo.  Gusto daw siya ng mga hurado at paborito siya ng mga ito kaya unanimous ang boto sa kanya.

Natanong din namin ang naging kapalaran nina Jennylyn Mercado at Albert Martinez na hindi man lang sila na-nominate sa kategoryang Best Actress at Best Director, respectively pero hanggang sa aming pagtitipa ay wala kaming kasagutan na natanggap.

Medyo lalaylay ang karir ni Matt Evans lalo sa taong nakaraan ay isa lang siya sa mga important characters ng Juanita Banana na bida si Bianca Manalo.  Malaki umano ang epekto ang pagkawala ng kanilang team-up ni Melissa Ricks dahil isa sa mga sinusuportahan ng tagahanga ang kanilang loveteam.

Hindi naman daw lubusang mababakante ang aktor dahil in-demand naman siya sa mga personal appearance sa probinsya at katunayan, may aabangan ang kanyang mga fans sa Tagum City ngayong February 5 dahil magkakaroon sila ni Empress Schuck ng show, ang ‘Sounds & Rhythm’ na gaganapin sa Tagum College Gymnasium of Mindanao University.

This is under the direction of Jobert Sucaldito at handog ng Galaxy Entertainment & Production Services sa pakikipagtulungan ng Villa Rico Briz Residences at Acme Briz Residences.  Kasama rin dito si Paul Zhuang, ang upcoming Chinese pop singer at katunayan ay napapanood na siya sa mga concert nina Ernie Garcia at Boy inocencio.  Isa siya sa ‘Men Behind the Galaxy.’ Alex Datu

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply