Rizal police officials kinasuhan sa pagdukot sa mag-asawang negosyante

INIREKLAMO ng isang mag-asawang negosyante ang matataas na opisyal ng Rizal Provincial Police Office, maging ang ilang tauhan nito na nakatalaga sa Intelligence Office sa kasong Grave Misconduct, Abuse Of Authority, Oppression, Conduct Unbecoming at Serious Irregularity dahil sa pagdukot sa kanila  at pagpapalaya  matapos makakuha ng malaking pera at iba pang mga mahahalagang gamit San Mateo, Rizal.

Ang  mga inireklamo ay sina Rizal PNP Provincial Director SSupt.Manuel Cesar Prieto, Deputy  Chief Intelligence Chief Insp. Lumactod, Senior Inspector Delizo, SPO4 Rodolfo Abion, PO3 Nomer Raymundo, PO3 Luis Jumok, alias Aquino  at iba pang mga pulis ng Rizal.

Kinilala naman ang mag-asawang nagreklamo na sina Cristina, 31 at Samuel Pontalba, 38, negosyante, ng 37 Pag-Asa Compound, Ampid-1, nabanggit na bayan.

Sa sinumpaang salaysay ng mag-asawa, naganap ang insidente 9 ng gabi nitong Enero 6 nang pasukin sila  ng limang kalalakihan na nagpakilalang mga pulis saka hinalughog  ang kanilang bahay.

Sa takot ay tinangka ng babae na tumalon sa bintana pero hinila siya ng mga suspek sa buhok, kinaladkad saka pinagsusuntok.

Sakto namang dumating si Samuel na agad kinapkapan ng mga salarin bago kinuha ang kanyang lisensiya.

Hindi pa nasiyahan ang mga suspek at pinagsusuntok din nila si Samuel  saka sinundot  ng  baril  sa dibdidb at isinakay ang mag-asawang biktima sa sasakyan na may (CEC-560) at dinala sa tanggapan ng Rizal Provincial Police Office.

Dito ay ikinulong ang mag-asawa mula Enero 6 hanggang  Enero 8 bago pinalaya nang magbigay sila ng P160,000. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply