Roach kay Pacman – “Huwag balewalain si Mosley”

BINALAAN ni multi-awarded trainer Freddie Roach si 8-division champion Manny Pacquiao na huwag balewalain ang makakalabang si WBA welterweight champion Sugar Shane Mosley.

Ibinigay ni Roach ang babala sa kabila ng pagsasabing malabong makatama ng solidong suntok si Mosley sa paghaharap nila sa ring ni Pacquiao.

Ipinaalala rin ni Roach kay Pacman na muntik ng mapabagsak ni Mosley si Floyd Mayweather Jr. sa kanilang May 2010 fight matapos itong tamaan ng isang solidong suntok.

“Kahit 39-anyos na ito, maituturing pa rin si Mosley na best at quick puncher na kanilang makakalaban.”

Kasabay nito, inihayag ni Roach na hindi nila minamaliit ang kakayahan ni Mosley, bagkus isa itong champion at sa katunayan ay limang beses na naging world champion.

Ang Pacquiao-Mosley fight ay gagawin sa May 8 sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply