Roddick, Federer wagi!

NAKALIKOM si Andy Roddick ng 15 aces sa 6-4, 6-1 win niya laban kay Ukranian Alexandr Dolgopolov dahilan upang makaabanse sa quarterfinals ng Brisbane International tournament sa Brisbane, Australia.

Si Roddick ay kinontrol ang laban sa second-round match gamit ang powerful serve kung saan nailatag niya ang 71 percent ng kanyang first serves sa laro at naipanalo ang 87 percent sa first-serve points.

Samantala, sa Doha, Qatar ay nagpakitang gilas si Roger Federer nang manalo sa tira sa pagitan ng dalawang hita laban kay Dutch qualifier Thomas Schoorel 7-6 (3), 6-3 sa Qatar Open.

Ito ang kanyang unang official match ngayong season.

“It’s one of the best shots again of my career, one I’m going to look back on and smile, of course,” pahayag ni Federer. “It was quite fantastic.”

Kasabay nito, si top-ranked Rafael Nadal ay nakaabanse na rin nang gibain si Karol Beck 6-3, 6-0.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply