Royal Duo umibabaw sa 3YO Maiden race

UMAATIKABONG bakbakan sa huling 100 metro ng laban ang nasaksihan kina Royal Duo at liyamadong si Elusive Wind kung saan ay namayani ang una sa naganap na Three-year-old Maiden 2 race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nagkapanabayan sa banderahan sina Royal Duo at Go For All habang nagmamatyag naman sa kanilang likuran si 2009 Philippine Sportswriters Association (PSA) jockey-of-the-year awardee Jessie B. Guce na rumenda kay Elusive Wind.

Pagpasok ng huling kurba ay umungos na ang winning horse kay Go For All habang bumubulusok naman papuntang unahan si Elusive Wind.

Subalit may natitira pang lakas si second choice Royal Duo na sinakyan ni class B rider Ronald C. Baldonido kaya hindi ito nalampasan ng nagbabadyang si Elusive Wind.

Naka-ulo lamang si Royal Duo kay Elusive Wind upang makuha ng una ang added prize na P10,000 handog ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

“Akala ko lalampas sila Jessie (Guce) sa amin mabuti na lamang at nung binigyan ko si Royal Duo ay rumesponde pa rin,” masayang pahayag ni Baldonido.

Nakapagtala ng tiyempong 1:31 sa distansyang 1,400 meter race si Royal Duo.

Tumersero sa laban si Go For All at pumang-apat naman si Dapit Hapon. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply